Naglabas na ang BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga banknotes o mga perang papel na may “enhanced designs.”
Ayon sa BSP wala silang binago sa new generation currency kundi tinutukan nila ang pagpapatingkad sa ilang disenyo upang mas lumabas ang ganda ng kasaysayan at likas na yaman ng bansa sa ating pera .
Halimbawa na lamang nito ay ilang pagbabago sa 200 Peso bills kung saan mapapansin na naka-highlight ang declaration of Philippine Indenpendece at ang Malolos Congress.
Nakatakdang maglalabas na rin mga bagong pera na may pirma ng bagong Bangko Sentral Governor Nestor Espenilla, Jr. na nagsimulang manungkulan noong Hulyo.
Tinanggal na rin ang imahe ng order of Lakundala Medal at ang “medal of honor” sa 20, 50, 200, at 1000, Peso bills.
Nilinaw naman ng BSP na mananatiling kikilalanin o may halaga pa rin ang mga pera na walang pagbabago sa disenyo.
Samantala, nagbabala rin ang BSP kaugnay sa mga maglilipanang pekeng pera lalo na ngayong holiday season.
BSP Releases New Generation Currency Banknotes with Enhanced Design and the Signature of the Fourth Governor of the Bangko Sentral ng Pilipinas
Details on: https://t.co/eLbG92iUaG pic.twitter.com/SS8J7JhyyA— Bangko Sentral (@BangkoSentral) December 5, 2017
BSP Releases New Generation Currency Banknotes with Enhanced Design and the Signature of the Fourth Governor of the Bangko Sentral ng Pilipinas
Details on: https://t.co/eLbG92iUaG pic.twitter.com/GcHfibFJqr— Bangko Sentral (@BangkoSentral) December 5, 2017