Naglabas ng tatlong 100 pesos commemorative coins ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung saan tampok ang mga bayaning Pilipino na sina Teresa Magbanua, Mariano Ponce at Heneral Emilio Aguinaldo.
Sinabi ng BSP na agad nabili ang mga 100 pisong barya dahil sa taas ng demand nito.
Naibenta sa halagang 350 pesos bawat isa ang commemorative coins sa BSP store.
Ayon pa sa inilabas na pahayag ng BSP, ang mga BSP-issued coins ay itinuturing na legal maliban kung ang mga ito ay na-demonetize.
Dagdag pa ng BSP ang mga commemorative coins ay gawa sa mamahaling metal kagaya ng ginto at pilak na ginawang kaakit-akit sa mata ng numismatist at publiko.—sa panulat ni Joana Luna