Inilunsad na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng Philippine Payments Management Inc. (PMMI) ang bagong digital payment channel sa bansa.
Parte ito ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na gawing digital ang landscape ng retail payment sa bansa.
Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, layon ng Bills Pay PH na ilapit ang mga central banks para maabot ang target na gawing digital ang 50% ng retail business, na makatutulong sa nasa 70% ng mga Pilipino.
Sinabi naman ni BSP Deputy Governor Mamerto Tangona na ang paglulunsad ng Bill Pay PH, ay gabay upang makamit ang kambal na layunin sa ilalim ng Digital Payments Transformation Roadmap ng sentral na bangko.