Nagbabala sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa mga nanloloko sa pamamagitan ng sim card scam.
Ayon sa BSP, nakatanggap sila ng mga reklamo na may mga tumatawag na ilang indibidwal na nag-aalok ng upgrade o pagpapalit ng sim card kung saan kasabay na hinihingi ang mga pin code nito upang magawa ng scammer na ma-access ang bank o financial account ng mga biktima.
Kaugnay nito, sinabi ng BSP na huwag magbigay ng anumang personal na impormasyon sakaling may tumawag na hindi kilalang indibidwal. —sa panulat ni Airiam Sancho