Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga banking institution kaugnay sa mga kliyenteng nai-scam o naloloko gamit ang kanilang bank account.1
Kasunod ito ng naging pahayag ng BDO Unibank na hindi umano sila mananagot sa anumang pagkalugi ng kanilang customer dahil sa panloloko.
Dahil dito, nagbigay ng memo ang BSP sa BDO bilang tugon sa mga reklamo ng mga customer tungkol sa terms at condition ng naturang bangko.
Ayon kay Deputy Governor Chuchi Fonacier ng BSP, dapat na tratuhin nang patas ang kanilang mga kliyente at hindi dapat inaalisan ng pananagutan kung ang kanilang customer ay nawalan ng pera dahil sa pandaraya.—sa panulat ni Angelica Doctolero