Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga bangko na dapat nilang masiguro na sapat ang cash sa lahat ng kanilang Automated Machines (ATM) sa pagsalubong ng bagong taon.
Bukod pa dito, dapat ding tiyakin na magagamit ng mga kliyente ang online services tulad ng mobile banking applications.
Nabatid na karamihan sa mga local lenders ay sarado tuwing holidays kaya dapat na pagsilbihan ang kanilang mga kliyente lalo sa pagsalubong ng bagong taon.
Sa ngayon, dagsaan nadin ang mga tao sa ilang mga atm machine para makawithdraw at makabili ng handa sa media noche. —sa panulat ni Angelica Doctolero