Pinayuhan ng Bangko sentral ng Pilipinas ang mga negosyante, tsuper ng mga pampublikong sasakyan at iba pa na gamitin ang mga maliliit na sentimo bilang panukli
Ito’y kasunod na rin ng mahigpit na pagpapatupad ng pamahalaan sa No Shortchanging Act o ang batas na nagtatakda sa tamang pagbibigay ng sukli sa mga konsyumer
Ayon kay BSP deputy Governor Diwa Gunigundo, bagama’t maliliit na halaga ng bariya ang sinusukli, kadalasan aniyang nalulugi rito ang mga konsyumer at pasahero
Bagama’t maliliit lamang na halaga, sinabi ni gunigundo na malaki pa rin ang nawawala sa publiko kung lilikumin ang kabuuang nawaala sa paunti-unting sukli
Dahil dito, kahit lima o sampung sentimos na barya ayon kay Gunigundo ay dapat gamitin at tanggapin dahil bahagi pa rin ito aniya ng sirkulasyon sa pananalapi
By: Jaymark Dagala