Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na obserbahan ang wastong paghawak ng mga barya kabilang ang pagpapalit o pagdeposito nito.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, ang mga barya ay itinuturing na public investment na ginagamit para magbayad ng mga kalakal at serbisyo.
Aniya, ang mga barya na hindi ginagamit ay dapat na palitan o ideposito sa mga bangko sa halip na iimbak para mapanatili ang kalinisan nito.
Maaari ring isuko ang mga barya na kaduda-duda o peke para sa inspeksyon ng BSP.
Samantala, sinabi ni Diokno na ang sinasadyang pagsira sa mga barya ng bansa ay may kaukulang parusa tulad ng pagkakulong ng hanggang 5 taon at multang hindi hihigit sa P20-K. —sa panulat ni Airiam Sancho