Nakipagtulungan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Bankers Association of the Philippines (BAP) at Bank Marketing Association of the Philippines (BMAP) upang palakasin ang kampanya laban sa cyberattacks.
Layunin nito na ilunsad ang “check-protect-report” o CPR o information drive kung saan bibigyan ng tamang impormasyon ang mga Pilipino upang protektahan laban sa online scam.
Ayon kay BSP governor Felipe Medalla, ito ay dahil sa pagtaas ng digital transactions.
Kasabay nito ang information drive na cyber-security ay isang shared responsibility sa financial regulators, mga taga-industiya at financial consumers.
Hinimok ng BSP ang publiko na laging maging mapagbantay at huwag maging kampante pagdating sa cybersecurity. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla