Nananatiling ‘sound and stable’ ang banking system ng bansa.
Tiniyak ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko kayat available pa rin ang financial services kahit limitado sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ).
Bukod dito ipinabatid ng bsp na handa silang i address ang lahat ng usapin hinggil sa financial services lalo sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Tuluy tuloy pa rin anito ang pakikipag ugnayan nila sa mga bangko para masigurong hindi naaantala ang mga transaksyon at iba pang aktibidad.
Hinimok din ng bsp ang publiko na kumuha ng online banking, E-money services at electronic fund transfer para maiwasan ang pagkalat ng virus.