Nanawagan ang BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas sa publiko na gastusin na ang kanilang mga barya.
Sinabi ng BSP na dapat mapaikot ang mga nasabing barya dahil kulang na ang barya sa sirkulasyon.
Naglagay na ang tanggapan ng BSP sa ilang rehiyon ng mga teller sa mga mall at malalaking grocery para matugunan ang mga magpapasukli.
Muling ipinaalala ng BSP na palitan na ang mga lumang pera hanggang sa katapusan ng taong ito dahil hindi na magagamit ang mga ito sa 2018.