Nanawagan sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa paggamit ng Philippine 20 peso coin.
Ayon sa BSP, gamitin bilang pambayad sa iba’t-ibang mga transaksiyon at pagbili ng mga pangunahing bilihin at serbisyo ang bagong gawang barya sa Pilipinas.
Batay sa Circular No. 573 series of 2006, hindi maaaring itago ang mga perang papel o barya upang maiwasan ang kakulangan ng mga ito.
Pinayuhan din ng BSP ang publiko na huwag ipunin ang mga barya at mas mainam kung itabi na lamang ito sa mga bangko o gamitin sa pagbabayad.