Naniniwala ang liderato ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sa kabuuan ay ikabubuti ng ating bansa ang pagbubukas ng ekonomiya sa mga banyagang mamumuhunan.
Sa isang pahayag, sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ito’y sa pamamagitan ng pagluluwag sa ilang mga economic provisions sa na nakapaloob sa ating konstitusyon.
Dagdag pa ni Diokno na ilan sa mga nais niyang magbukas ay ang educational system kung saan ay pangarap niyang balang araw ay makita ang mga dayuhang unibersidad para hindi na mag-abroad pa ang ating mga kababayan.
Bukod pa rito, pabor din si Diokno na luwagan ang corporate ownership, gaya ng media, para hindi umiral ang monopolyo ng balita sa bansa.
Kasunod nito, naniniwala rin si Diokno na nakahahadlang sa pagpasok ng mga mamumuhunan sa bansa ang 60-40 share of ownership na nakasaad sa ating konstitusyon.