Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tanging mga inter-bank ATM transaction fees lamang ng iilang bangko ang magtataas ng singil.
Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier, gumagastos ang mga bangko para sa kanilang ATM machines.
Kaya kailangan aniyang magbayad ang isang costumer kung sa ibang bangko gagawa ng transaksyon para maging patas.
Medyo hindi naman po fair kung wala pong charges [sa ATM transaction], kasi, siya po ang nagmentina ng [ATM] machine na ‘yon, siya rin po ang nagloload doon ng cash, madami pa pong cost na kasama doon,” ani Fonacier.
Dagdag pa ni Fonacier, ang mga nakukumpletong transaksyon lang ang mapapatawan ng karagdagang bayad at hindi ang mga kanselado o hindi natuloy na transaksyon.
Kung nasa kalagitnaan, hindi naman nagtuloy ‘yung transaksiyon dahil bigla nga pong nag-offline, dapat po ‘yon, wala pong charge sayo kasi hindi naman nagtuloy ‘yung transaksiyon,” ani Fonacier. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas
BSP maglalabas ng bagyong P5-coin
Maglalabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng bagong anyo ng limang pisong barya.
Ito ay ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier.
Aniya, mayroon silang mga natatanggap na hinaing kung saan nahihirapan ang mga mamayan makita ang kaibahan ng mga bagong barya.
Magkakamukha umano kasi ang piso, limang piso at sampung piso at kadalasan ay nahihirapan na makita ang kaibahan ng mga ito.
Dagdag pa ni Fonacier, iba na ang hugis ng bagong limang piso para madaling makita ang kaibahan nito sa ibang barya.
Matatandaang inilabas ng BSP ang mga bagong barya noong Marso ng nakaraang taon. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas