Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na test circulation pa lamang ang pag ikot ng P1, 000 polymer banknotes.
Ayon kay Strategic Communications and Advocacy Managing director Tony Lambino, nais lamang mapatunayan ng pamahalaan ang benepisyo ng naturang money bill na una nang ginagamit sa ibang mga bansa.
Napatunayan umano na mas matibay kumpara sa perang papel, mas malinis, mas mahirap mapeke, mas mahaba nang dalawa hanggang limang beses ang buhay, at mas environmental friendly ang nasabing polymer banknote na nasa sirkulasyon na .7%.
Sinabi ni Lambino na asahang maiaakyat pa sa 30% ang sirkulasyon nito sa mga susunod na taon.
Hinihikayat naman ng BSP ang publiko na iparating sa kanilang tanggapan ang feedback at iba pang concern kaugnay sa P1-K polymer banknotes.