Pinasara ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang Rural Bank of Datu Paglas Incorporated na nakabase sa Maguindanao.
Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier, Naglabas ang monetary board ng isang resolusyon nitong Agosto 26 na nagbabawal sa nasabing kumpanya na magsagawa ng operasyon sa Pilipinas base sa Republic Act 7653 o ang New Central Bank Act.
Ang Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC ang naatasan na humawak ng liquidation para sa pagsasara ng bangko.
Dahil dito, umabot na sa limang rural banks ang naipasara ng BSP ngayong taon.—sa panulat ni Rex Espiritu