Pinuri ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagkakaaresto sa isang grupo na nang-hack umano ng mahigit 400 accounts ng BDO.
Ayon sa BSP, umaasa sila na sa pamamagitan nito ay maibabalik ang tiwala ng publiko sa online banking.
Lumabas naman sa imbestigasyon na sangkot din umano sa ibang modus ang mga nadakip.
Ito ay ang pagtatawag sa mga may-ari ng accounts para hingin ang kanilang one-time pin (OTP) para mabuksan ang kanilang account. —sa panulat ni Abby Malanday