Umakyat ng 6.6% ang remittance ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) nitong nakaraang Enero.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), katumbas ito ng $2.65-B na mas mataas sa naitalang $2.48-B noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.
Sinabi ng BSP, nagmula ito sa kapwa pagtaas ng mga remittances ng mga land based at sea-based OFW’s.
Pinakamarami aniyang ini-remit na pera ay mula sa mga OFW’s sa Estados Unidos na nasa 38.6 %.
Sinundan naman ito ng mga padala mula sa Japan, Singapore, Saudi Arabia, United Kingdom, United Arab Emirates, Qatar, Canada, Hong Kong at Korea.