Tiniyak ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas na malakas ang Piso at solid ang economic fundamentals ng Pilipinas.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, hindi magkakaroon ng “free fall” ang Piso laban sa Dolyar.
Ito ay sa kabila ng pagbulusok ng halaga ng Piso sa 51 Pesos kontra Dolyar noong nakaraang linggo.
Matatandaang nagsara sa 50 Pesos at 98 Centavos ang palitan ng Piso laban sa Dolyar noong Biyernes matapos bumaba ang halaga nito sa 51 Pesos at 8 Centavos sa intra-day trading.