Mayroong sapat na suplay ng cash o pera ang mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette
Ito ang tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa BSP, nais nilang matugunan ang currency demands sa mga probinsya na higit na tinamaan ng pananalasa ng bagyo upang makabangon ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Pinatitiyak din ng BSP sa mga bangko sa Visayas at Mindanao ang pagkakaroon ng sapat na hakbang upang masiguro ang availabilty ng pera sa mga Automated Teller Machines (ATM).—sa panulat ni Airiam Sancho