Tuluy-tuloy ang pagbibigay ng tulong Boy Scouts of the Philippines (BSP) sa mga medical frontliner at health care wokers sa gitna nang patuloy na paglaban ng bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa katunayan ipinabatid ni Dating Bulacan Governor Roberto Obet Pagdanganan, National President ng BSP na binuksan na nila sa pagsisimula pa lamang ng enhanced community quarantine (ECQ) ang BP International Hotel sa Maynila na pag aari ng organisasyon para sa medical frontliners mula sa Philippine General Hospital.
Bukod dito sinabi ni Pagdanganan na ginagamit na ring quarantine facilities ng local government units ang pag aari ng bsop na lancaoan hall sa Mount Makiling Campsite at Camp Abuyog sa Teresa, Rizal.
Nakikiisa aniya ang bsop sa mga hakbanging ng gobyerno para matulungan ang mga frontliners habang umiiral ang ecq gayundin sa kampanya kontra COVID-19.