Naglabas ng quarterly publication ang isang Member of Parliament (MP) ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) upang labanan ang pagkalat ng fake news sa social media.
Ayon sa tanggapan ni Maisara Damdamun-Latiph, layon ng newsletter na ‘Empowering Voices’ na maihatid sa kanilang nasasakupan ang tamang impormasyon, lalo na sa mga mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Mahalaga rin aniya na tutukan ang pinanggagalingan ng fake news, ano man ang pulitika ng mga taong nasa likod nito.
Tampok naman sa first publication ang kuwento ng mga internally displaced persons sa Marawi City, gayundin ang problema sa basura, edukasyon, at iba pang adbokasiya.