Pursigido ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na isulong ang pag apruba ng electoral code.
Ito ay ayon kay Bangsamoro Spokesperson Minister Naguib Sinarimbo ay kahit pa hindi matuloy ang 2022 election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Inamin ni Sinarimbo na masalimuot at malaking hamon sa kanila ang pagbuo ng electoral code dahil maraming malalaking pagbabago na nais ipatupad sa eleksyon.
Pangunahin dito aniya ang political party system dahil naging kaugalian na sa bansa na pami pamilya lamang ang eleksyon.
Sinabi pa ni Sinarimbo na pinag uusapan na rin ng BTA ang mga hakbangin para matiyak ang tamang sectoral representation habang isinasagawa ang halalan.