Umapela ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang kontrobersyal na anti-terror bill.
Ito’y matapos aprubahan ng BTA ang resolusyong humihikayat sa pangulo na gamitin ang kaniyang veto powers para atasan ang kongreso na muling pag-aralan at ayusin ang nakapaloob na probisyon sa nasabing panukalang batas.
Una rito nagpahayag ng pagkabahala si Bangsamoro Chief Minister Ahod Al-Haj Murad Ebrahim kaugnay sa pagkakalusot ng anti-terrorism bill.
Ani Ebrahim, bilang isang pinuno, trabaho niya ang magbigay ng pahayag at tiyaking hindi magagamit ang naturang panukalang batas sa pang-aabuso.