Sisimulan na ngayong araw ng Philippine National Karate Team ang Bubble-set up training bilang paghahanda sa 2021 Southeast Asian Games na isasagawa sa May 12 sa Hanoi, Vietnam.
Ayon kay Karate Pilipinas President Ricky Lim, papasok sa Buble training ng Philippine Sports Commission (PSC) Compound sa Teachers Camp sa Baguio City ang halos 75% ng National Team.
Sinabi ni Lim na ang iba pang mga atleta ay mananatili sa Isolation facility matapos makaclose contact ang mga COVID-19 positive cases sa Metro Manila.
Una nang ini-schedule noong January 5 ang naturang training pero naantala ito upang makapagpahinga pa ang ibang manlalaro mula sa nagdaang Torneo ng 2021 Asian Karate Championships na idinaos sa Kazakshtan noong December kung saan, nasungkit ng bansa ang 4 na medalya. —sa panulat ni Angelica Doctolero