Hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan na ang fashion ay pabago-bago at patuloy na nagiging modern. Pero sino nga ba ang mag-iisip na aabot sa punto na pati ang bubble wrap ay maaari na ring isuot ng mga tao?
Kung saan ito matatagpuan, alamin.
Sa isang video na pinost ng uploader na nagngangalang Yana Vansovich, na-feature ang panibago at kakaibang klase ng mga damit sa boutique na ZNWR na binansagang “Balenciaga of Belarus” na hindi maipagkakailang agaw pansin dahil maihahalintulad ito sa isang bubble wrap.
Sa video, makikita ang tila tipikal na bubble wraps na ginagamit para ipambalot sa mga fragile products, ngunit ang kaibahan nga lang ay korte itong bistida at coat na maaaring isuot ng isang tao.
Maririnig sa video na pabirong inalok ni Yana sa mga babaeng viewer na naghahanap ng dress ang nasabing bubble wrap dress na kaniyang nakita sa Minsk Dana Mall sa Belarus.
Mayroong pang mga nagsabi na ang mga damit na ito ay maaaring gamiting “anti-stress” dahil puwede itong putukin katulad ng ginagawa sa mga normal na bubble warp.
Pero huwag iismolin ang bubble wrap dress at jacket na ito dahil limited lang ito at nagkakahalaga ng 280 at 380 Belarussian Rubles na katumbas ng 5,000 pesos at mahigit 6 thousand Pesos.
At dahil sa kakaibang fashion statement kung kaya’t ayon sa social media account ng ZNWR, mabilis na na-sold out ang bubble wrap jacket.
Ikaw, gugustuhin mo bang suotin ang bubble wrap dress na ito?