Ganap na ngang ama sa edad na 19 ang dating child star na si Buboy Villar.
Nagsilang ng isang malusog na sanggol na babae ang American girlfriend ni Buboy na si Angillyn Serrano Gorens.
Kanilang pinangalanan ang bago nilang baby na si Vlanz Karollyn.
Labis-labis naman ang kagalakan ni Buboy sa panibagong yugto na ito ng kanyang buhay.
Nagpasalamat din ang aktor sa lahat ng nanalangin para sa ligtas na pagdadalantao ng kanyang kasintahan.
Matatandaang nakilala si Buboy sa pelikula nitong Kid Kulafu kung saan ay gumanap ito sa karakter ng batang Manny Pacquiao.