Ilalabas na ngayong araw ng Gilas Pilipinas Coach Mark Dickel ang listahan ng bubuo ng FIBA Asia Cup qualifying match laban sa Indonesia.
Magkahalong baguhan at mga beterano ang mga napiling manlalaro na sasabak sa laban.
Ilan sa mga tiyak na kabilang ay ang regular na lumalaban na sina Roger Pogoy, Troy Rosario, Poy Erram at Cj Perez.
Nakatakdang lumipad patungong Jakarta ang koponan sa Pebrero 21 para sa laban na gaganapin naman sa Pebrero 23.