Nagsampa na ng reklamo ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation laban kay suspended Bureau of Correction (BuCor) chief Gerald Bantag at iba pang sangkot sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid at umano’y middleman na si Jun Villamor.
Sinabi ni justice secretary Jesus Crispin Remulla na ang hepe ay nasuspinde noong oktubre kasunod ng pagkamatay ni Villamor sa New Bilibid Prison.
Isa rin aniya si Bantag sa 160 personalidad na ikinokonsiderang persons of interest ng pulisya.
Nabatid na umamin ang gunman na si Joel Escorial, na isang nangngangalang “bantag” ang nagbigay ng utos na patayin si Lapid.