Lumabas na ang killer attitude ni dating PNP Chief ngayo’y BUCOR Chief Ronald Bato Dela Rosa.
Binigyang diin ito ng international organization na Human Rights Watch matapos batikusin ang naunang pahayag ni Dela Rosa laban sa mga drug lord.
Una nang inihayag ni Dela Rosa na hindi dapat matakot ang prison guards sa mga drug lord na kayang patayin ng mga ito lalot nasa kulungan ang mga ito.
Ayon kay HRW Asia Deputy Director Phelim Kine ang pahayag ni Dela Rosa ay patunay na dadalhin niya ang prinsipyo nang pagbalewala sa rule of law sa Bureau of Corrections na naging sistema na nito nuong namumuno pa sa PNP.
Ipinaalala ng HRW kay Dela Rosa ang preliminary investigation na isinasagawa ng International Criminal Court hinggil sa mga nangyayaring pagpatay sa war on drugs ng Duterte Administration.