Idineklarang Persona Non-Grata si BuCor Chief Director Gerald Bantag kaugnay sa ginawang pagpapatayo ng pader sa gitna ng kalsada sa bahagi ng Katarungan Villages One at Two Barangay Poblacion, Muntinlupa City ng mga tauhan ng Bureau of Correction.
Kasunod ito ng anim na resolution na ipinasa ng City Counsil ng Muntinlupa para ipanawagan na aksiyonan ang naturang kaso.
Matatandaang inihayag ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na ang ginawang pagbabakod ng BuCor ay wala umanong permiso galing sa kanila at hindi umano nakipag usap ang BuCor sa Lokal na Pamahalaan ng Muntinlupa.
Ayon kay Fresnedi, ang ginawang pagharang ng BuCor sa daan ay hindi lamang pagsasawalang bahala sa Lokal na Pamahalaan kundi malinaw na kawalang respeto sa karapatan ng mga residente sa lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero