I-revamp ang Bureau of Correction (BuCor)!
Ito ang giit ni Senate President Vicente Sotto III sa panayam ng DWIZ, makaraang mabisto na nasa halos 2,000 bilanggo na convicted dahil sa heinous crimes ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) base sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
SP Sotto: I-revamp yang BuCor na ‘yan.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 31, 2019
Isa aniyang “blessing in disguise” ang una nang pagkakasiwalat sa napipintong paglaya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez upang mabunyag ang mga kaparehong pangyayari hinggil dito.
Dagdag pa ni Sotto, marami ang dapat ipaliwanag ni BuCor chief Nicanor Faeldon lalo na’t lumabas ang dokumento na nagpapakita na pirmado nito ang release order para kay Sanchez.
Malabo rin ani Sotto na walang nangyaring suhulan sa pangyayari at kinakailangang managot dito.
SP Sotto: Nagkasuhulan ‘yan, hindi pwedeng hindi. Dapat may managot.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 31, 2019
Dapat din aniyang paharapin ang mga opisyal ng BuCor sa nakatakdang pagdinig ng senado sa ika-2 ng Setyembre kaugnay sa mga pinalayang heinous crime convicts base sa GCTA
Ayon kay SP Sotto, dapat paharapin sa pagdinig ang mga opisyal ng BuCor.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 31, 2019
(IZ Balita Nationwide Sabado Interview)