Dapat managot ang Bureau of Corrections (BuCor) sa pagpapalaya sa mahigit sa 1,900 convicts na sentensyado dahil sa mga karumal-dumal na krimen.
Ayon kay Cong. Rufus Rodriguez, isa sa mga may akda ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), napakalinaw na hindi sakop ng batas ang mga paulit-ulit na nakakagawa ng krimen at heinous crimes.
Pinuna rin ni Rodriguez ang pagpapalaya sa tatlo sa pitong mga sentensyado sa pagpatay sa Chiong sisters noong 1997.
Hindi anya katanggap-tanggap ang paliwanag ni BuCor Chief Nicanor Faeldon na hindi nya lagda ang nasa release papers ng tatlo.
Sinabi ni Rodriguez na sa ngayon, hindi na malalaman pa kung nasaan ang mahigit sa 700 sentensyado ng rape at mahigit rin sa 700 sentensyado ng murder na pinalaya ng BuCor.