Sinuspindi si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag matapos masawi ang umano’y middleman sa pagpatay kay broadcaster Percy Lapid.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, pinasuspindi ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. si Bantag matapos nilang magpulong kahapon para mabigyang daan anito ang patas na imbestigasyon sa kaso.
Ipinabatid ni Remulla na itinalaga niya si dating AFP Chief of Staff Gregorio Catapang, Jr. bilang Officer in Charge ng BuCor.