Pinaiimbestigahan ng Department of Justice sa Bureau of Corrections ang lumutang na balita na binigyan ng special treatment ang mga high profile inmate na tumestigo sa kamara laban kay Senador Leila de Lima.
Sa isang pahinang kautusan na pirmado ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, inatasan nito si BUCOR Director General Benjamin Delos Santos na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa umano’y pagbibigay ng special privilege sa high profile inmates na makagamit ng mga celphone, internet at air condition.
Pinakukumpiska rin ng kalihim ang mga gadget na matatagpuan sa mga sinasabing high profile inmate.
na rito, ibinunyag ni De Lima na pinahintulutan umano ni Aguirre na muling makagamit ng cellphone, internet at aircon ang mga high profile inmate na tumestigo sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison laban sa Senadora.
By: Mheann Tanbio / Bert Mozo