Isang preso mula sa New Bilibid Prison (NBP) medium security compound ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) unang sinuri ang nasabing preso sa NBP Hospital at kaagad dinala sa RITM nitong nakalipas na Abril 17.
Bilang precautionary measure ipinabatid ng BuCor na kaagad silang nagsagawa ng contact tracing na naging dahilan nang pagsailalim sa isolation ng 40 pang bilanggo
Sinabi ng BuCor na naka quarantine na rin ang medical staff na nag asikaso sa nasabing pasyente bilang suspected case.
Dinala na rin ang mga person deprived of liberty (PDL) na nagkaruon ng exposure sa positibong kaso sa mas malaking quarantine area sa Site Harry kung saan sila mas matututukan habang hinihintay ang COVID-19 testing.
Nakatutok din ang BuCor medical staff sa pagbibigay ng atensyong medikal sa lahat ng suspect PDL’s at sa positibong kaso.
Tiniyak naman ng BuCor ang patuloy na pagpapatupad ng nati COVID-19 measure gayundin ng operational plans matapos maitala ang unang kaso ng virus.