Nanindigan ang Bureau of Corrections na may sapat silang rason upang magtayo ng pader sa isang residential area sa Muntinlupa City.
Ito’y makaraang gibain ng ilang reisdente ng katarungan village ang pader na humarang sa kalsada.
Ayon sa BuCor, nais lamang nilang mapigilan ang mga ilegal na aktibidad sa loob ng National Bilibid Prisons.
Iginiit ng ahensya na mayroon ding access ang mga residente sa Daang Hari Road.
Para naman sa patungong Muntinlupa City Hall, maaaring dumaan sa Green Heights Subdivision na kanilang pansamantalang ipinasara noon, pero puwedeng buksan kung mayroong dahilan sa pagdaan.—mula sa panulat ni Drew Nacino