Nagbabala ang Bureau of Corrections (BuCor) sa publiko laban sa ilang grupo na nasasabing konektado sila sa ahensya at nanghihingi ng pera para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Sa isang social media, sinabi ng ahensya na nabiktima ng mga scammer ang San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City.
Sa liham na nilagdaan ng isang Rolando Camogao, na nagsasabing siya ay Dating PDL at founding chairperson ng “Rehab Society Association, NBP Reservation, Zamboanga Peninsula” ang ipinadala sa pampubliko at pribadong organisasyon para mag-solicit ng pera.
Samantala, hinimok ng ahensya ang publiko na agad i-report sa Bureau of Corrections at sa SRPPF ang mga naturang insidente.