Mataas pa rin ang tensyon sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) matapos ang riot sa pagitan ng magkalabang grupo nuong Biyernes na ikinasawi ng siyam katao at ikinasugat ng pitong iba pang preso.
Ayon ito kay Justice Secretary Menardo Guevarra kaya’t todo bantay ang mga tauhan ng Bureau of Corrections.
Sinabi ni Guevarra na may mga report na posibleng balikan ng isang grupo ang nakabanggang grupo bagamat kontrolado na rin nila ang sitwasyon.
Magugunitang nagpangabot ang Sigue Sigue Sputnik gang at Sigue Sigue Commando ala-una ng madaling araw na tumagal ng tatlong oras bago naawat ang dalawang grupo.