Handa na ang Bureau of Corrections (BuCor) na iproseso ang tuluyang paglaya ni U.S. Marine Corporal Joseph Scott Pemberton.
Ito, ayon kay BuCor Spokesman Colonel Gabriel Chaclag, ay kapag natanggap na nila ang kopya ng pardon order sa Amerikanong sundalo.
Sinabi sa DWIZ ni chaclag na posibleng abutin ng dalawang linggo ang pag proseso sa paglaya ni pemberton dahil marami pang dadaanang tanggapan ito sa bucor.(bucor)
Hindi po natin masasabi, kung minsan nga ang process n’yan ay umaabot ng 2 weeks. Pero minsan naman ay 5 days, kaya po, or 4 days,” ani Chaclag.
Ipinabatid pa ni chaclag na wala pa silang natatanggap na request mula sa kampo ni pemberton para mapabilis ang pag proseso sa paglaya nito.(bucor 2)
Wala naman po tayong nareceive o napaabot sa atin na special request. Kung sa atin naman sa BuCor, we are treating this as regular release, at lahat po ng process na dinadaanan ay kailangan pong ma-comply, pati na rin po ‘yung health requirements, kasi nasa pandemic period tayo,” ani Chaclag. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas