Pinagpapaliwanag ni Justice Secretary Leila de Lima ang Bureau of Corrections (BUCOR) kaugnay sa paglilipat ng piitan kay Janet Lim-Napoles.
Matatandaang inilipat sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong ang tinaguriang utak ng P10-bilyong pork barrel scam.
Sinabi ni de Lima na nakakapagtaka na sa mother’s ward inilipat si Napoles gayung wala itong kasamang sanggol.
Hihintayin ng kalihim ang isusumiteng ulat ni BUCOR Director Ricardo Rainier Cruz III.
Una nang ipinaliwanag ni Edelinda Patac, OIC ng Correctional na puno na ang general ward kaya inilipat si Napoles.
By Mariboy Ysibido