Pinawi ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pangamba na makalaya si dating Calauan mayor Antonio Sanchez sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon, mahigit sa 49 ang criteria na dapat masunod bago mabigyan ng GCTA ang isang bilanggo.
Isa lamang anya ito ang malabag ay hindi na kwalipikado ang bilanggo na mabawasan ng taon na dapat nyang gugulin sa bilibid.
Dahil dito, sa unang tingin pa lamang anya sa record ni Sanchez ay hindi na ito kwalipikado dahil sa bad conduct nang mahulihan ito ng shabu at mamahaling mga kagamitan sa kanyang kubol.