Hiniling ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura na ang kontrobersyal na BuCor-TADECO deal.
Ang TADECO o Tagum Agricultural Development Corporation ay pag-aari ng katunggali ni House Speaker at Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez na si Davao del Norte 2nd District Representative Antonio Floreindo.
Sa hearing ng House Committee on Good Government, inihayag ni Aguirre na batay sa imbestigasyon ng Department of Justice ay napag-alaman na may paglabag sa batas ang kontrata ng BuCor at TADECO.
Hindi naman anya maaaring direktang irekomenda ng DOJ ang pagkansela o pagbasura sa kasunduan dahil tanging ang Pangulo ang maaaring gumawa nito at mapabilis ang proseso.
Ipinaliwanag ng Kalihim na kung padaraanin sa BuCor ang imbestigasyon ay magtatagal lamang ito at maaaring manatili ang kasunduan sa kabila ng paglabag sa Saligang Batas.
By Drew Nacino | with report from Jill Resontoc (Patrol 7)
BuCor-TADECO deal ipinababasura kay Pangulong Duterte was last modified: May 9th, 2017 by DWIZ 882