Umalma ang Bureau of Corrections (BuCor) sa panukalang buwagin na ang ahensya.
Ayon kay BuCor Chief, retired Police Chief Supt. Rolando Asuncion, hindi naman lahat ng kawani at opisyal ng BuCor ay sangkot sa katiwalian.
Mas nakararami pa rin anya ang nananatiling matapat na kawani ng BuCor sa kabila ng maliit na pasahod sa kanila.
Una nang sinabi ni Dante Jimenez ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC na buwagin at palitan na lamang ang BuCor ng mas matatag na ahensyang, pamamahalaan ng mga taong may integridad.
Bahagi ng pahayag ni BuCor Chief retired Police Chief Supt. Rolando Asuncion
Jaybee Sebastian
Samantala, pinag-aaralan pa ng BuCor kung saan dadalhin si Jaybee Sebastian sa sandaling lumabas ito ng ospital.
Ayon kay Asuncion, mayroon silang impormasyon na posibleng palabasin na ng ospital si Sebastian bukas o sa araw ng Biyernes.
Matatandaan na si Sebastian ay nasaksak sa isang riot sa loob ng NBP kaya ito na-ospital.
Bahagi ng pahayag ni BuCor Chief retired Police Chief Supt. Rolando Asuncion
By Len Aguirre | Ratsada Balita