Itinanggi ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagbibigay ng VIP treatment sa inmate na si Jaybee Sebastian.
Ayon kay Retired Chief Supt. Rolando Asuncion, Deputy Director for Operations at tumatayong officer in charge ng BuCor, agad naman nilang ibinalik si Jaybee sa Building 14 matapos itong ma-discharge sa ospital.
Inamin ni Asuncion na binigyan nila ng television set si Jaybee subalit para rin anya ito sa mga kasamahan niyang bilanggo.
Bahagi ng pahayag ni Retired Chief Supt. Rolando Asuncion
Kasabay nito, sinabi ni Asuncion na nirerespeto nila ang findings ng PNP-CIDG na walang nangyaring riot sa New Bilibid Prison nang masaksak si Jaybee at mapatay si Tony Co.
Una nang sinabi ng PNP-CIDG sa imbestigasyon ng House of Representatives na pinagtangkaan ang buhay ni Jaybee upang mapigilan itong tumestigo laban kay Senador Leila de Lima.
Bahagi ng pahayag ni Retired Chief Supt. Rolando Asuncion
11 inmates
Samanatala, nananatili sa AFP Custodial Center sa Camp Aguinaldo ang 11 inmates ng New Bilibid Prison na tumestigo sa imbestigasyon ng House of Representatives sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.
Aminado si Asuncion, na hindi na ibinalik sa NBP ang mga inmates matapos ang ginawa nilang pagtestigo sa Kamara kung saan nadiin sa illegal drug trade sa NBP si Senador Leila de Lima.
Gayunman, sinabi ni Asuncion na wala namang illegal sa sitwasyon dahil nagsisilbing extension ng NBP ang AFP Custodial Center batay sa memorandum of agreement ng Department of Justice at Department of National Defense.
Kasama sa mga nasa AFP Custodial Center ang sumasak kay Jaybee Sebastian at nakapatay kay Tony Co.
Bahagi ng pahayag ni Retired Chief Supt. Rolando Asuncion
By Len Aguirre | Ratsada Balita