Lumobo ng halos 60 porsyento ang budget deficit ng bansa para nitong 2018.
Nagkakaruon ng budget deficit kapag gumastos ang pamahalaan ng sobra kumpara sa kinita nito.
Sa inilabas na datos ng Bureau of Treasury, umabot sa mahigit P558 billion ang budget deficit para sa 2018 o 59 na porsyentong mas mataas sa mahigit P350 billion budget deficit nuong 2017.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, maituturing rin namang positibo ang paglobo ng budget deficit dahil tinaasahan nila ang paggastos ng pamahalaan sa mga infrastructure projects na kabilang sa programang ‘Build Build Build’.
Para nitong 2018, umabot sa mahigit P2.8 trillion ang kinita ng pamahalaan o 15 prosyentong mas mataas sa P2.47 trillion na kita nuong 2017.
Naging malaking tulong sa pagtaas ng kita ng gobyerno ang pagpapatupad sa TRAIN o Tax Reform Acceleration and Inclusion law kung saan aabot sa mahigit P60 billion ang madaragdag sa kita ng pamahalaan.