Halos nadoble na ang budget deficit ng bansa nitong Hulyo kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Mula sa budget surplus na P1.8-bilyon noong Hunyo, nagtala ng mahigit sa P140-bilyon budget deficit ang bansa noong Hulyo.
Halos doble ito sa mahigit P75-bilyon na naitala noong Hunyo ng 2019.
Ang budget deficit ay nangangahulugan ng mas malaking gastos kumpara sa kinikita ng pamahalaan.
Ayon sa Bureau of Treasury, ang mataas na budget deficit ay repleksyon ng halos 11% pagtaas sa gastusin ng pamahalaan dahil sa pagtugon sa pandemic.