Umabot na sa P837.3 bilyon ang budget deficit ng bansa sa loob ng pitong buwan.
Ayon sa Bureau of Treasury, sa buwan ng Hulyo, nasa P121.2 bilyon na ang naging budget deficit ng bansa.
Bumaba ito ng 13.57% kumpara sa P140.2 bilyon noong nakaraang taon.
Ayon pa sa ahensya, ito ay dahil sa 9.21% na paglago sa kita kasama na ang 0.69% na pagtaas ng gastos ng pamahalaan.
Sa kabila nito, nasa 19.5% pa rin ang total budget gap ng Pilipinas mas mataas sa P700.6 bilyon na naitala noong 2020.—sa panulat ni Rex Espiritu