Target ng senado na tapusin ang budget deliberations sa Disyembre 8.
Kahapon ay isa-isang isinalang sa deliberasyon sa muling pagbubukas ng sesyon ang budget ng Office of the President, Office of the Vice-President, ARMM, Department of Transportation and Communications, Department of Justice at Department of Environment and Natural Resources.
Isinalang din ang budget para sa DPWH, Department of Agrarian Reform, Department of Health, Department of Foreign Affairs, Commission on Audit at DSWD.
Kaugnay nito, sinabi ni Senate President Franklin Drilon na target nilang mailusot ang panukalang budget ng nasabing mga ahensya sa November 26, samantalang sa November 28 hanggang sa December 1 naman ay inaasahang mapaplantsa ito sa bicameral conference at bago mag-Pasko ay malalagdaan na ito ng Pangulo.
By Meann Tanbio