No show si COMELEC Chairman Andres Bautista sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kahapon kaugnay sa mahigit 16 Bilyong Pisong panukalang pondo para sa COMELEC sa susunod na taon.
Dahl dito, nagpasya si House Appropriations Committee Chairman at Davao Rep. Karlo Nograles na ipagpaliban ang pagdinig sa halip ay muling isagawa ito ngayong araw.
Batay naman sa isinumiteng paliwanag ng poll chief, sinabi nito na kinailangan niyang kausapin ang guidance counselor sa paaralan ng kaniyang apat na anak upang paliwanagan hinggil sa kontrobersiyang kanilang kinahaharap.
Pero maliban kay Bautista, dumalo naman ang limang iba pang Commissioner na kinabibilangan nila Rowena Guanzon, Al Parreño, Arthur lim, Sherrif Abas at Louie Tito Guia.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc
SMW: RPE